Friday, December 11, 2009

the commoner

...just like any other human beings that exist in this world...

well, masayang maging commoner... yet sometimes it really sucks. it's been so long bago ko narealize... na isa lang ako sa majority na nagcocommute araw-araw, kumakain three times a day... neither rich nor poor... nagiging above average, but a person without a piece of best... haay. in other words, AVERAGE.

lalo kong nakita ang definition ng commoner in this college years. seeing myself in a world na puno ng mga geeks, sometimes I'm doubting kung nakapasa ba talaga ako sa university na pinapasukan ko... but since God let that happen, I believe that I have the guts... :))

siguro kasalanan ko rin kung bakit nagkaganito. marahil, kakulangan ko na rin bilang isang tao. they say that I haven't given my best... (or maybe they cannot just appreciate it). on one side, maganda siya, kasi hindi ka pinagkakaguluhan ng tao at kalevel mo ang majority. pero kung tutuusin, mahirap umalis ang isang commoner sa pagiging "common." hindi ka mapapansin, at mas pinapahalagahan ng madla ang may pera, karangyaan, talento at kasikatan...

at minsan, mahirap para sa akin ang sagutin ang mga tanong na "sino ako?" "...may talent ba ako?" ni ang interest ko hindi ko madefine kung saan talaga... ako kasi yung taong hindi nakaconcentrate sa isang area... at iyon marahil ang dahilan kung bakit wala pa akong nakukuhang achievement award na "best in blah...." ever since.

masakit lang talaga na tanggaping...

Life is simply unfair...

12102009

complicated

ang cut ng christmas tree
hmm... ewan ko ba kung bakit ito ang title nito. la lang maisip.

at last, tapos na rin ang isang sem ko. happy, exciting, nakakatoxic, nakakahomesick... at nakakaewan. totoo na hindi ito biro. buti, nakasurvive pa rin ako.

sembreak... (sembreak ba talaga ang tawag doon?) dahil sa mga recent typhoons na nanggulo sa Pilipinas, sira ang sembreak ko. Nadelay, lumiit, at hindi ko pa nasulit. haay... wala akong magawa, at ang dami ko pang responsibilidad. haha!!!

at un... ndi ko xa nakita... since wala namang way or chances (o baka wala na talaga). ayoko ng umasa... pasira sa high school life. eh di wag... just want to know if it's still a YES or NO. (and I'm hoping for a NEVER.) maybe it's not yet the right time eLo... (gow, i-comfort mo ang sarili mo... haha!!!) you're not a loser.

itigil na yan... haha!!! walang magandang mangyayari.

let's look on the brighter side of life. marami pa namang magandang nangyari eh. nameet ko again ang mga high school classmates ko, kahit hindi sila kumpleto. nakasama ko ulit ang family ko. nakipagkulitan sa kapatid ko. nakakain ulit ng masarap na pagkain. nakalanghap ulit ng sariwang hangin na wala sa manila.

sana talaga makabawi ako sa Christmas vacation... sana... sana walang kumontra, umeksena, at sirain ang Christmas vacation ko. five weeks pa, but I'm looking forward to it.

(Pasko na naman, ngunit wala ka pa? Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa'yo? -LSS-) mais!!!

11052009