Showing posts with label Puerto Galera. Show all posts
Showing posts with label Puerto Galera. Show all posts

Friday, January 8, 2010

first "adventure"...

Hindi sila nagkamali... Akala ko tsismis lang ang lahat.

January 2, 2010. Nagsimula kong napakinggan ang bali-balita tungkol sa pier... Nagsimula ang mahabang pila sa pier. Supercat lang daw ang bumabyahe... Ayon sa kanila, dahil daw un sa M/V Baleno 9. Suspended ang Besta Shipping Lines, ang owner ng nasabing barko. Hindi tsismis ang nangyari sa barko... at ang malinaw na dahilan: kapabayaan. Improper lashing at mga crew na pinhintulutang uminom ng alak ang nagdulot ng trahedya. Marami ang nawawala, hindi lahat ay nakasulat sa manifesto. Samahan pa ng katotohanang second hand lang ang lahat ng ro-ro ships sa Pilipinas. Pinagsabihan na ang kapatid ko na magpabook na agad, para makaalis ng maaga kinabuksan... Hindi natuloy ang booking... huli na ang lahat.

January 3, 2010. A day after... Nagising ako ng 5am. Mula sa Calapan Pier, bumalik ang kapatid ko ng umagang iyon na sana ay paalis na, dahil may pasok na sila kinabukasan. Exaggerated ang description niya sa pier... but this time, naniniwala na ako. Super haba ng pila sa pier na halos mapuno ang quadrangle para sa pila. Samahan pa ng mahabang pila ng mga bus at truck sa labas. (Note: 4am pa lang nung pumunta si Kuya.) Nakita pa niya ang isa niyang kakilala na 2am pa dumating doon, subalit terminal ticket pa lang ang nabibili. Yung iba naman, doon na natulog... may nakalatag na mga sinirang kahon. At ang desisyon: Plan B: pumunta sa Puerto Galera at doon sumakay ng bangka papuntang Batangas. Success naman ang plano, kahit ayon sa marami ay hindi safe doon. Nakarating ang kapatid ko sa Manila around 10:30am.

Syempre natakot din ako... Nag-eenjoy pa ako sa aking Christmas vacation, at sa January 4 pa ang schedule ko para magpaalam sa province ko. I was even asked by my brother kung sasabay na ba ako sa kanya. Hindi ako pumayag. Hindi pa ako prepared. Kahit alam kong maraming assignment na dapat gawin pagbalik ko, tinanggihan ko ang offer.

Noong gabi ng araw ding iyon, pumunta kami ng Tito ko sa pier. Sakay kami ng motor. Nagbabaka-sakali na sana hindi na ganoon kagrabe ang pila. Pero lalo lang kaming nawalan ng pag-asa. From Brgy. Calero hanggang sa Calapan Pier, paralisado ang isang lane ng hi-way. Doon naka-park ang mga bus at truck. Galing pa ang ibang mga bus sa Visayas, at kadalasan dumaraan ang mga ito sa Mindoro para makarating ng Manila. At ang mga truck na may laman na prutas, bigas, hayop, atbp., nakatambay rin. Ilang araw na silang hindi makaalis. Marahil malapit ng mabulok ang mga prutas. Ubos na ang budget ng mga nastranded. Awa ang naramdaman ko, pero wala akong magawa.
Nakita ko rin ang pier. Maraming tao. Mahaba ang pila. Kahit papano nangalahati ang pila. Marahil bumalik na ang iba... at bukas ulit pipila dahil hindi safe ang byahe sa gabi. Nag-interview kami sa isang guard doon. may ticket naman para bukas, ngunit hindi pa rin sigurado kung makakakuha kami dahil sa mahabang pila. Bawal ang reservations.

...at ako? Hindi na ako nangahas makipagsapalaran sa pang-box office na pila sa Calapan City Pier. Change route. Sa Puerto Galera kami dadaan.

January 4, 2010. This is the day. Honestly, ayoko pang umalis. Sino ba ang gusto? Hindi sapat ang two weeks sa akin. Kasabay ko ang pinsan ko at friend ng kapatid ko para sa adventure. Ten years na ako sa Oriental Mindoro, pero first time ko pa lang makarating sa Puerto Galera, ang isa sa mga tourist spots sa province. Mahaba rin ang byahe sa jeep, 100 pesos ang bayad. First time ko ring nakita ang Tamaraw Falls, na hindi ko agad nalaman na un na pala un. Sa pier ng Sabang kami napadpad. Akala ko white sand, kulay red pala. XD Siguro hindi lang talaga pang-beach ang napuntahan namin. Hindi environmental-friendly ang mga tao doon. Sa dagat lumalabas ang sewage. May traces ng oil sa tabi ng dagat.

8:15 ang nakalagay sa ticket namin. 240 pesos. Marami na ang nakadiscover sa alternative route, kaya nilubus-lubos na ng kumpanya. M/B Penguin III ang sinakyan namin. Sabi ng kapatid ko 200 lang ang ticket nila kahapon. Parang kapareho na rin ang presyo sa fastcraft tulad ng Supercat. Pero 9:30 na kami nakaalis. Isa sa dahilan ang maraming pasahero; samahan pa ng low tide, kaya hindi makalapit ang barko sa baybayin. Nag-unload pa ng pasahero gamit ang "baruto" (first time kong na-encounter ang word na un.). Un ang sinasakyan ng mga pasahero, parang balsa na pinapagalaw gamit ang tikin. High tech. Hindi ko sila masisi... Hindi rin naman nila kasalanan iyon. Iyon rin ang ginamit namin para makasakay sa bangka.

Isang oras ang byahe. OK naman, maliban sa sprinkle ng salt water noong malapit na kami sa Batangas. Nagbigay na rin sila ng life jacket, siguro takot na rin silang if ever na magkaroon ng accident. Sinuot ko lang ang life jacket para magpapicture at tinanggal na ulit. (pasaway eh...) Hindi na kami sumakay ng baruto para makaalis. Nasa kabihasnan na ang pier ng Batangas... :)) Hinarang pa ang friend ng kuya ko ng isang reporter from GMA. Late na nila nalaman ang balita. Kung kailan marami na ang biktima.

Then sumakay na kami ng bus. Nagkahiwa-hiwalay na kami. Hanggang Batangas lang ang friend ni Kuya, biyaheng Cubao naman si pinsan, at ako sa Buendia. Seven hours lahat-lahat ang biyahe na dapat four hours lang. Balik na ulit ang lahat sa normal na buhay. Sunud-sunod ang exams sa first week of classes. Hindi ko na naisip ang pahinga. Eto na ulit ako, 2010. Crammer pa rin.